1,827

1,827 days ng pag-aalaga, pag-aasikaso, pagtitiwala.

Literal na buong mundo, sa kanya umikot.

1,827 days na tinalikuran ang sariling pangangailan.

Walang ibang kaibigan, kasama at kakampi kundi siya at siya lamang.

Lahat ginawa sa pag-aakalang mas kinakailangan niya ito kumpara sa akin.

Ngunit  biglang bumulaga sa aking harapan ang katotohanan.

Katotohanang tinago sa kabila ng pagbibigay sa kanya ng buong tiwala ng walang pag-aalinlangan.

Ngayon, pagkatapos ng 1,827 na araw, sinisilaw ako ng tunay na mundong hindi ko halos matignan….

Walang kaibigan.

Walang matatakbuhan.

Walang maiiyakan at makakainuman.

Wala naman nagsabing gawing ganito ang aking mundo.

Ako mismo ang pumili, ako ang nagdesisyon at ngadala ng mga paa sa ganitong direksiyon.

Bukas, Muling sisimulan ang buhay ng nag-iisa at tatayo sa sariling paa.

Dahil sa tunay na mundo, hindi sapat ang 1,827 na araw upang matayo ang isang matatag na pagsasamahang nababalutan ng pagtitiwala at katotohanan.

momento ni La Lola

“ang mahalaga kapag tumanda ka, wala kang pinagsisihan sa kahit na anumang pinagdaanan mo, pinagdesisyunan, ginawang kalokohan, at kasinungalingan. kapag nagbalik-tanaw ka, mahalagang naiintindihan mo na bawat isang hakbang ay nangyari para mahulma ang isang nilalang sa’yo. dahil kung hindi, patay kang bata ka, baka sunduin kita ng maaga apo.”

—si lola. maputi ang buhok, kulubot ang balat, nakadaster, tsinelas, may abanikong pamaypay, makapal na salamin, nakatitig sa malayo, habang nakaupo sa rattan rocking chair.. sinusuklay ang magulong buhok ng pitong taong gulang niyang apo, kahit hirap na hirap sa buhol-buhol na buhok, nakangiti pa rin habang nagkukwento.

 tapos nagising ako.

gusto ko ulit matulog. :D